Header Ads

Bukas na Surat para sa mga Jeepney drivers

                 

                     Sarong concerned netizen asin commuter, sa ngaran ni Lara D. Defeo, ang nagpahayag kan saiyang sentimiento sa mga jeepney drivers sa paagi kan pagpost niya sa facebook. Uni ang sabi niya:


#BuhayCommuter

Dear Jeepney drivers.
                 Hindi ko po nilalahat. Sana wag naman po laging overloading of passengers. Hindi po kami sardinas, maruya, kuyog, bulinaw, etc na sinisiksik nyo ng sinisiksik sa loob ng jeep. Kami po ay mayroon ding mga lakad. Pasok. At ilang mahahalagang pupuntahan. Sasakay kaming nakapag ayos, lalabas kaming mukhang nanggaling sa gyera.. Itigil nyo na rin po ang pagsasabi ng “kasya pa, kasya pa” dahil para po tayong nasa showtime. Kasya pero talagang hindi na kinakaya. Alam naming hanggat maari ay nais nyong maging sulit ang inyong byahe pero Sana po ay huwag naman ninyong makakalimutan[g] mapangalagaan pa rin ang inyong mga pasahero. Physically (kasi ipit na ipit lagi. Lalabas kang bugbog ang katawan), Mentally (nakakastress. Marami ang nahahighblood sa sistema) Emotionally (nakakainis. At nakakairita na kung minsan sisigaw pa ang kundoktor oh di naman kayay namimilosopo ang driver). Customers nyo po kami at hindi katambayan lang. Kaya marami ang masungit na pasahero. Nagbabayad ng maayos dahil hindi nyo hahayaang magkulang kahit piso man lang. Sana iparamdam niyo rin na may malasakit kayo sa inyong mga mananakay at hidi puro delhensya lang ang turing nyo samin (pasensya na po). Gayunpaman, nagpapasalamat kami ng malaki sa ginagampanan nyo para sa mga commuter na tulad ko. At wag nyo sanang kalilimutang sa bawat pagsakay namin sa inyong jeep ay buhay namin ang aming ipinagkakatiwala.

(Facebook post ni Lara D. Defeo kan December 22, 2017)

Manito's Time, December 31, 2017


No comments

Powered by Blogger.