Header Ads

Proud Kami Saimo!

Marissa D. Dolosa


Gusto mo nang magsuko dahil sa mga problema? Dahil sa pagtios? Dai. Dai ka dapat sumuko. Mangarap ka. Sabi ngani sa TV, “Mahirap maging mahirap pero mas mahirap kung walang pangarap.”
Midbidon ta ining personang grabeng pinag-agihan sa buhay alagad dai suminuko kundi nagsumikap tanganing makahawas sa pagtios na saiyang pigdadanas. Midbidon ta siya sa paagi kan saiyang testimonial speech kan nakaaging Disyembre 21, 2016. Mga adal sa buhay ang bitbit niya na boot niyang iheras satuya.



                 Una sa lahat, gusto ko pong pasalamatan ang Panginoong Hesus sapagkat siya ang nag-akda ng araw na ito upang makatayo ako sa inyong harapan. Naniniwala po ako na walang mapangyayari liban na ito ay loobin ng Diyos….

                 Sa mga hindi po nakakakilala sa akin, ako po si Marissa Diaz Dolosa, isang maybahay at ina ng dalawang mga anak. Sa murang gulang ay pinasok ko po ang masalimuot na buhay ng pagpapamilya. Masalimuot! Sapagkat kapos sa kahandaan.

          Ang isang gusali/bahay ay hindi mabubuo nang mahusay kung hindi naplano at napaghandaan nang mabuti. Mabuo man ito, madalas may kulang o bahaging hindi kainaman.

          Ganoon din po sa buhay natin lalo na sa kasalukuyang henerasyon. Kung kaya't ang edukasyon ay isang napakahalagang materyales upang makabuo tayo ng isang maayos na tahanan at lipunan.

          At ito po ang pinakamalaking kabiguang dala-dala ko noon. Ang kabiguang makapagtapos at mabigyan ng maayos na buhay ang aking pamilya.

          Ordinaryong mangingisda po ang aking asawa, bagama't hindi naman kami nagugutuman, totoong kapos sa aming pangangailangan ang kanyang kita.

           Kaya't napag-isip po ako. Hindi ko gusto ang uri ng buhay na ipinararanas ko sa aking mga anak. Mabigat po ang aking kalooban dahil pakiramdam ko huli na ang lahat, pinaglipasan na ako ng panahon, na hanggang doon na lang ako, pero hindi ko tinanggap ang gayong kaisipan. Nanalangin ako at hiniling ko sa Diyos na bigyan Niya ako ng isa pang pagkakataong ayusin ang aking buhay. Tinugon ng Diyos ang aking panalangin, ibinigay Niya ang Community College of Manito (CCM).

          Muling nabuhay ang aking pangarap at nakita kong ito ay probisyon mula sa Diyos. Sa madaling kwento, kumuha ako ng pagsusulit at nag-enrol.

          Hindi naging madali ang mga sumunod na pangyayari sa buhay ko. Sinubok ang aking katatagan ng sari-saring problema: pinansyal, pamilya at kung anu-anong negatibong pwersa na pilit akong hinihila pababa. Mahirap pagsabayin ang pagiging asawa, ina at estudyante at dahil tumatanggap pa ako noon ng labada, totoong mahirap.

          Sa desisyon kong ipagpatuloy ang pag-aaral, batid kong maraming tao ang humusga, umismid at nagtawa sa akin. Sabi pa nila, “Pa'no man iyan makatapos kulang ngani sa pagkaon an delihensya kan agom, mapundo man sana an.” Ito ang mga katagang lalong nagpalakas ng aking loob.
Kasama kong nagsakripisyo ang aking asawa ngunit higit sa lahat ang aking mga anak. Masakit sa akin ang mawalay sa aking panganay na anak subalit wala akong kakayahang alagaan silang dalawa o kuhanan man lang ng tagabantay. Noon ay anim na taon pa lang ang aking panganay at apat na taon ang pangalawa. Bagamat masakit tiniis ko ang pangungulila at ipinaalaga ko sa aking mga magulang sa Sorsogon. Naisip ko para rin sa kanila ang aking ginagawa.

     Maraming beses na natukso akong sumuko at umayaw… pero sa tulong ng Panginoon at mga taong walang sawang nagpalakas ng aking loob, nagpatuloy pa rin ako.

     Liban sa EQUAL SCHOLARSHIP, napakalaking biyaya rin sa akin ang mapabilang sa Petilos Scholars. Marahil para sa kanila maliit na bagay/halaga subalit lumikha ng malaking pagbabago sa aking buhay. Sa ngalan ng Panginoong Hesus nais ko pong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat!

     Hinding-hindi ko po makakalimutan ang CCM, para sa akin ito ay probisyon mula sa Diyos. Tsanel na kinasangkapan ng Diyos upang magsilbing daluyan ng kaalaman, karanasan at higit sa lahat… tagumpay!

     Sa lahat ng personalidad na nakibahagi sa aming pakikibaka at pagpupunyagi. Maraming salamat po anuman ang narating namin ngayon at mararating pa, kasama kayo sa aming tagumpay.
Ngayong unti-unti ko nang natutupad ang aking pangarap, saan man ako makarating mananatiling tataglayin ko ang mga aral na natutunan ko sa apat na sulok ng CCM.

     Makakaasa po kayong pupulutin ko at yayakapin ang mabubuting aral, ang mga salita ko namang kakulangan at kahinaan ay gagawin kong inspirasyon upang ito ay aking mapaunlad at mapakinabangan ng mga mag-aaral kapag ako ay nasa larangan na ng pagtuturo.

     Para sa akin hindi sapat na naniniwala ka lang na mangyayari ang isang bagay, kailangang lakaran mo ang iyong pananampalataya. Kumilos ka at magtiwala ka sa Diyos at magtatagumpay ka.

- Marissa Dolosa, Cum laude, 
September 2016 LET Passer;
 Teacher I Osiao Paglingap National High School
Manito's Time, November 30, 2017


No comments

Powered by Blogger.