MULA SA BAHAY AT ONLINE REVIEW LANG, TAGA-MANITO, PASOK SA TOP 8 NG LEPT ELEMENTARY LEVEL 2026
ni: Chrissanta D. Bayna
Pinatunayan ng isang guro mula sa Barangay Cawayan,
Manito, Albay na hindi hadlang ang kakulangan sa pera o hindi pagpunta sa face-to-face review
centers upang maging isa sa mga pinakamahusay sa Licensure Examination for Professional
Teachers (LEPT) na ginanap noong Marso 15, 2026.
Si Lorena Ardales Llamera, gradweyt ng
Bachelor of Elementary Education mula sa Bicol University - Daraga ay isang
ganap na Licensed Professional Teacher (LPT) na nakakuha ng rating na 93.20% at
nakamit ang ikawalong pwesto sa nasabing eksaminasyon.
Sa panayam, ibinahagi ni Lorena na ang
kanyang paghahanda ay nagsimula pa noong Hulyo ng nakaraang taon hanggang sa
araw ng eksaminasyon. Dahil nais niyang makatipid, pinili niyang mag-aral sa
loob lamang ng kanyang kwarto at gumamit ng online review programs.
"At first po, September LET ang
first plan ko but since feeling ko I'm not yet ready, I decided to take it last
March. Nagstart po ako magreview nung July hanggang March sa bahay lang," aniya.
Idinagdag pa niya, "Nag-enrol po ako
pero through online lang since mas tipid siya. At humihiram po ako ng mga libro
sa mga friends ko since ayoko bumili kasi additional gastos lang 'yon."
Ayon sa topnotcher, ginugol niya ang halos
walong oras o higit pa araw-araw sa pag-aaral. Mahalaga aniya ang consistency
at disiplina, kahit na may mga pagkakataong nawawalan ng gana o motibasyon.
Aminado si Lorena na hindi sila mayaman,
ngunit ang walang sawang suporta ng kanyang mga magulang na sina Henry Llamera at Lorna Llamera, at ng kanyang mga kuya ang
naging puhunan niya upang magtagumpay.
"We are not rich, but my parents
and my kuyas' love and support made me feel so rich that pushed me to strive
harder," pahayag ni Lorena.
Gusto rin niyang patunayan na ang pag-top
sa board exam ay hindi lamang para sa mga may kakayahang magbayad ng mamahaling
review centers.
"Gusto ko i-prove sa sarili ko at
sa iba na topping the board exam is not only for those who are privileged
enough to enroll face-to-face. Kahit nasa bahay ka lang, may chance kang
mag-top at ipagmalaki ang pamilya mo." Dagdag
pa niya, "Honestly, my goal is kahit top 10 lang talaga since I don't
want to expect especially napakadaming takers all around the Philippines na
matatalino and magagaling. It's really a miracle if makakabilang ka sa
topnotchers. Right now, I just want to
feel the moment and of course to continue imparting knowledge to the
learners."
Sa kasalukuyan, si Lorena ay nagti-training
sa isang pribadong paaralan sa Albay kung saan ikalawang araw pa lamang niya
nang malaman ang magandang balita.
Ito ang payo ni Lorena para sa mga balak mag-exam at sa mga hindi pinalad sa unang subok sa
LEPT,
"For those future LEPT takers, the
journey along the way is really not easy; sometimes you'll feel unmotivated,
and you'll doubt your own capabilities. But what's important is to reflect and
ask yourself, why are you doing this? Is it only for yourself? Or for those
people who believe in you, especially your family, who are always there to
support you in order to achieve your goals in life. You have to focus on your
dreams and be consistent because topping the board exam is not only about
intelligence, but it also requires consistency, perseverance, patience, and
strong faith in Almighty God."



Post a Comment