Header Ads

Kalahi CIDSS Team Manito Nagsagawa ng Project Development Workshop sa Manito People’s Centrum

Mula sa kaliwa:  Ms. Sharon De Leon (Municipal Financial Analyst, naka-pink), Brgy. Captain Abner Babasa, Jr. (Cawayan, naka-itim), Brgy Kagawad Ma. Ana Nibreja (Cabacongan, naka-pula), at BSMPC Chairperson Joydesil Bulos (Cawayan, naka-itim sa pinakakanan) habang isinasagawa ang Project Development Workshop sa Manito People's Centrum. 

 

Nagsagawa ng Project Development Workshop ang Kalahi-CIDSS (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive Integrated Delivery of Social Services) Team Manito sa Manito People's Centrum noong ika-27 ng Abril 2022.   Pinamunuan ito ng Area Coordinator na si Ms. Jillian Ruth Agarin.

 Ayon kay Gng. Jovena Mabilin, isa sa mga piling community volunteers sa Barangay Balasbas dumalo sa nasabing workshop "Very proud ako na natapos an inot na project sa pagtatarabangan kan mga tawo, community volunteers asin kan Kalahi Staff."

 Nilahukan ang workshop ng mga kapitan at piling community volunteers ng labinlimang barangay ng Manito. Layunin ng nasabing aktibidad na matulungan ang mga barangay sa paggawa ng kanilang mga Sub-Project proposals para sa ikalawang taon ng implementasyon ng mga proyekto ng Kalahi.

 Sa paagi kan kalahi CIDSS, mawot mi na matawan giraray ki pondo o grant para sa padagos na kauswagan kan banwang Manito" dagdag pa ni Gng. Mabilin.

 -- Jerico Dasalla Daep

No comments

Powered by Blogger.