Header Ads

BUTODA President: Lumaban sila ng patas, legal


Image from Manito MPS FB page


     May hinaing ang mga lehitimong tricycle drayber ng Buyo Tricycle Operators and Drivers Association (BUTODA) sa ating munisipyo patungkol sa problema sa mga kolorum na drayber o yunit.  

Ayon kay G. Reynaldo Daen, pangulo ng BUTODA, pinoproblema nila ang tila  kakulangan sa pag-aksyon ng ating lokal na pamahalaan sa mga kolorum na drayber/yunit dahil sa lantarang namamasada ang mga ito sa mga ruta dito sa Manito. Kawawa naman daw silang mga nagbabayad ng prangkisa para maghanapbuhay ng legal.


     Giit pa niya, Minsan nga naiisip na lang namin na huwag na din kumuha ng prangkisa tutal naman namamasada yung mga kolorum. Minsan mas malaki pa yung kinikita nila sa amin. May manghuhuli nga ng kolorum na drayber, wala naman silang mahuli kasi nakakapagtago agad tapos pag-alis, balik naman yung mga kolorum kaya parang nakukulangan ako sa aksyon ng munisipyo.” Dahil din dito, nahihikayat na ang ibang drayber na huwag na lang mag-renew ng prangikisa dahil parang puwede naman daw mamasada kahit walang prangkisa.”

Dagdag pa ni G. Daen, nais din ng mga lehitimong drayber na magkaroon ng mga ordinansa patungkol sa pagsasaayos ng ganitong problema (mga kolorum na drayber/yunit) at kung mayroon mang mga ordinansa, sana naman daw ay mabigyan sila ng kopya para malaman nila ang mga bawal gawin ng mga drayber. Nais din niyang ipabatid sa mga kolorum na drayber/yunit na sana huwag silang gumawa ng sarili nilang patakaran at regulasyon. “Lumaban sila ng patas at legal at sana maipatupad and dapat ipatupad.”

     Isa pang hinaing ng asosasyon sa ating munisipyo ay patungkol sa paglipat ng paradahan ng BUTODA Parada 1. Ninanais na mailipat ang kasalukuyang paradahan papuntang Buyo galing It-Ba sa kadahilanang ito ay nasa isang accident prone area. Subalit mayroon pang pag-uusapan tungkol sa proposal bago maipatupad ito, ayon kay G. Daen.
 -- Michael Legaspi














No comments

Powered by Blogger.