TESDA, S.A.L.C.E.D.A. Nag-orientation para sa Electronic Products Assembly NC II, Shielded Metal Arc Welding NC I
Naglunsad ng orientation ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) patungkol sa mga kursong Electronic Products Assembly Servicing (EPAS) NC II at Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC l na ginanap sa classroom ng Alternative Learning System (ALS) sa Manito Central School nitong Setyembre 26, 2019 ng umaga.
"ABOT LAHAT", yan ang bagong motto ng TESDA dahil imbes na ikaw ang pumunta sa mga Training Center ay sila na mismo ang pupunta sa iyo para makapag-training ka.
Mr. Raymund Ll. Daen nagpapaliwanag ng programa kasama si Manito Muncipal Councilor Romeo "Nong" Dawal. |
Nabanggit ni Manito Sangguniang Bayan Kagawad Romeo "Nong" Dawal, Jr. na ang training na ito ay "para matabangan kamong maihanda sa trabahong makukua nindo" dahil sa loob ng mahigit isang buwan ay sasailalim ang mga mag-aaral sa isang training na angkop sa napili nilang kurso.
Ang programang ito ay kasama pa rin sa Sustainable Livelihood and Community Enterprise Development Assistance (S.A.L.C.E.D.A.) program, sambit ni Mr. Raymund Daen (District Staff 2 Special Project Office).
Strikto na raw ngayon ang TESDA. May ilang mga patakaran din silang ginawa para maghigpit. Ayon kay Bb. Maria Bella B. Atienza (TESDA staff/scholarship focal person), kapag ang isang trainee ay verified na, bawal nang umatras sa training dahil magmumulta na siya ng karampatang danyos. Base iyan sa kasunduang kanyang nilagdaan.
Isang mensahe naman ang iniwan ni Mr. Sherwin Ian A. Buena (2D Albay/ Office of Cong. Salceda) “Seryosohon si programa ni Cong.Salceda. Programa na ang lumalapit sa tao. Sana kung ganun kayo ka-committed sa mga asawa/ BF/ GF niyo ay ganun din kayo sa programang ito.”
-- Michael Legaspi, Resa Joy Domingo, at Welsie Abellano
Post a Comment