Header Ads

Senior Citizens Pay-out: Hinihintay na lang ang Regional Office

Image from DSWD 6 via PNA

May mga nagtatanong ng update tungkol sa pensyon ng senior citizens ng Manito.  Ayon kay Mr. Leonoro Olavere, pangulo ng Barangay Association of Senior Citizens Affairs (BASCA) Buyo, hindi pa nila nakukuha ang pension nila simula Nobyembre 2018.

Ang pahayag ni Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Officer Myrna Ferrer hinggil dito, “Ngayon ang pay-out ‘ta, nag-aantay na lang kami ng advice ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) Regional Office  kasi nagpe-pay-out na sa iba’t ibang munisipyo kasi may mga schedule na sila.  Ma-inform sila sa amin kung kailan ang schedule ng Manito.   Nag-validate baga sila ng mga senior citizens.

Ayon pa sa kanya, ang Regional Office daw ang nag-house-to-house sa mga senior citizens upang ma-validate kung sino talaga ang kwalipikado.  “Yung natira na 1,500+ na yun, yun ang qualified talaga na social pensioners.  Konti lang naman ang nawala.  Halos lahat andun pa rin.”

Hindi pa raw niya masabi kung kailan ang pay-out ng Manito pero ayon sa kanya, “Pagpunta ko roon ng Friday, naka-ready na ang pay-roll.  Nag-aantay na lang kami ng schedule pag-release dahil  hindi na kami, ang munisipyo, ang nagre-release.  Ang nagre-reelase na ngayon ang Regional Office.

“Pag nag-advise na sa amin, immediately niyan magko-call ako ng emergency meeting sa mga BASCA presidents.  Yung mga BASCA presidents naman, sila na ang mag-iinform sa mga barangay nila.”

DSWD na raw ang magre-release,  mag-a-assist na lang daw ang MSWD at munisipyo.

“Pupunta sila sa MSWD Office at may schedule iyan kung sinong barangay ang dapat na pumunta.  Basta i-ready lang nila ang mga requirements pag pay-out, yung ID, photocopy nito, kung may representative, yung certificate na kaipuhan.”

Ang reaksyon ni Mrs. Ferrer hinggil sa nagkomento sa FB na wala raw ginagawa ang munisipyo, “Kung tutuusin, matagal na naming inaksyunan iyan kaya lang may mga rules and regulations kaming sinusunod galing sa itaas, sa Regional Office na sumusunod din lang sa Central Office.”
-- Nerissa C. Daen

No comments

Powered by Blogger.