Header Ads

Brgy. It-Ba Water Application On-Going



On-going ang pagtanggap ng Engineering Office ng LGU Manito ng mga application forms mula sa mga residente ng It-Ba para sa pagpapakonekta ng kanilang mga tubo sa mga bagong distribution lines ng tubig.   Ang pagsasaayos na ito ay bahagi ng water rehabilitation project ng munisipyo bilang solusyon sa problema sa tubig ng barangay.

Nailatag na ang mga bagong linya ng tubig hanggang Purok 6 na pagkakabitan ng tubig para sa mga residente . Ayon kay Eng. Luna, base sa kanilang datos, mahigit 800 ang households sa It-ba, ngunit mahigit 400 pa lang ang nagpapalista sa kanila as of October 11, 2019.

Hiningi niya ang kooperasyon ng mga residente na magpalista na sa munisipyo.  “Sa ngayon eto na yung final touchdown, application kaya nagpapalista na.  Kaya dapat sana may cooperation mula sa mga households kasi nga yung iba,  may resistance.  Gusto muna nilang makita yung tubig bago magpakabit.  Sana as much as possible, makita namin na lahat ng households makabitan namin.  So pag-in-open namin ‘yang linya, sama-samang bubuksan iyan at ikokondena na ang lumang linya.

Pinaliwanag ni Municipal Engineer Luna ang magiging sistema ng pagkonekta ng tubig sa mga households. Ayon sa kanya, “We will enforce proper fittings na lang na papunta dun sa households. Ang household na ang ma-provide nin mga tools na gagamiton, kami lang ang ma-install”.

Matapos magsumite ng application form ang residente, sila ay tatawagan ng Engineering Office kung may babayaran pa silang tapping fee. 

Hindi nagbigay ng tiyak na araw si Eng. Luna kung kailan matatapos ang pagsasaayos ng tubig sa barangay.  Depende raw sa application na kanilang matatanggap.  “Ang target namin ay 100% ng households pero kung 50% lang ang nag-initiate at nag-effort na mag-apply, yun lang ang bibigyan ng tubig.”  Ang mga hindi raw nag-apply, hindi sila kaagad mabibigyan kung magrequest man sila dahil may susundin schedule ang kanilang tanggapan para maging systematic ang takbo ng kanilang trabaho.

Tinanong din si Eng. Luna kung magiging sapat ba ang supply ng tubig para sa buong barangay.  Sagot niya. “Kung sa source, enough pa naman siya pero may part of the year na siguro magkukulang siya due to the effects of climate change.  Pero hindi na iyon rason para umabot pa tayo sa puntong ganito kasi nga nagdagdag na kami ng supply, nagpalit na kami ng mga tubo.  Sa ngayon, kinondena na namin ang lumang tubo.  100% pinalitan namin ang mga tubo sa gayon wala ng rason para walang tubig unless may magsabotahe.”

Paano nila mapoprotektahan ang mga tubo sa mga pirata o nagnanakaw ng linya ng tubig?  “Sa pamamagitan ng Municipal Ordinance na sa ngayon ay ginagawa pa ng Sangguniang Bayan ang ammendment at sa tulong ng barangay especially ni Kapitan (We Daen), na nakikita naman natin ang effort niya.  It’s  a joint effort ng LGU, municipal, barangay level and the public na consumers.”  

Patungkol sa mga consumers, dagdag pa niya, “Disiplina sana, kasi di ba yung iba, hindi mo alam kung nakakalimutan lang nila o wala talaga.”

Hinihintay pa rin ng Engineering Office ang inaamyendahan pang Municipal Ordinance  ng SB na patungkol sa maintenance at pagpataw ng penalty sa illegal tapping na akda ni Municipal Kagawad Jerry D. Arizapa.  Suhestiyon naman niya, “Ideally, dapat magkaroon ng sariling body or thing sa operation and magkaroon ng sariling entity ba. Mas maganda na meron dapat na isa. Tsaka yun nga, magkaroon sila ng IRR. Step by step tayo so binigay ulit sa amin. So sa ngalan ng serbisyo publiko, wala tayong problema dun.”
                                                              -- Nerissa C. Daen, Ma. Edeliza D. An at Aubrey Raymundo

No comments

Powered by Blogger.