Free tuition na sa CCM puon Hunyo 2018
Si Mrs. Bernardita B. Manalo, presidente kan CCM sa ginibong interview saiya ni Jonel Arizapa buda Geraldine Guillermo. Photo: Geraldine R. Guillermo
Kinumpirma
ni Mrs. Bernardita B. Manalo, presidente ng Community College of Manito
(CCM), na free tuition fee at miscellaneous fee (RA
10931) na ang CCM simula ngayong Hunyo 2018. Lahat ng estudyante ang magiging
benepisyaryo ng programang ito mula sa mga papasok sa unang taon (1st year)
hanggang sa mga nasa ika-apat na taon (4th year).
Inilahad
niya rin na papipiliin ang mga mag-aaral na mayroon nang dating scholarship (kagaya
ng CHED scholarship) kung alin ang gusto nila dahil isa lamang ang
maaaring maibigay sa isang mag-aaral.
Sa ngayon,
naghihintay na lamang ang mga namumuno sa CCM na ipatawag ng CHED para sa isang
pagpupulong para maibigay ang guidelines ng programa.
Ibinahagi din ni
Ma’am Manalo na maaari nang pumasok sa kolehiyo kahit na hindi dumaan sa Senior
High School.
Isinagawa ang panayam
noong Abril 5, 2018.
— Jonel D. Arizapa
kasama si Geraldine Guillermo sa pakikipagpanayam.
Post a Comment