52 Mag-aaral Nagtapos sa Pawa Elementary School
Si Bb. Rowena B. Daep habang nagbibigay ng mensahe sa mga mag-aaral ng Pawa Elementary School sa kanilang pagtatapos. |
"Hindi dahil hindi ka na ganun katalino ay
wala ka nang kinabukasan. There is a future that awaits for you. … the road
would not be easy but remember that you can do it.”
Ito ang naging mensahe ni Bb. Rowena
B. Daep, Panauhing Pandangal, sa 52 mag-aaral na nagsitapos sa ika-51
Graduation Exercises ng Pawa E/S na may temang: Mag-aaral ng K to 12: Handa sa
Hamon ng Buhay (K to 12Learners: Ready
to Face Life Challenges) noong Abril 5 2018, alas 3 ng hapon.
27
sa mga nagsipagtapos ay lalaki at 25 ang babae. Nagawaran ng May Mataas na
Parangal sina Jhoan G. Briones at Joyce C. Dasalla. Kabilang naman sina Ken S.
Malate at Sheena Me D. Barrameda sa nakakuha ng May Parangal. Si Ma’am Rhealyn
Kaamiño ang naging tagapayo ng mga mag-aaral.
Ang mga nagsipagtapos na mag-aaral ng Pawa Elementary School. |
Napaiyak
naman sa kasiyahan ang mga magulang nang puntahan at yakapin sila ng kanilang
mga anak matapos ito hingin ni Ma’am Venus Reodique, School Head ng Balabagon
at Cavit E/S, D.O. Representative, sa mga mag-aaral.
Naroon
din ang iba pang mga guro ng paaralan sa pangunguna ni Ma’am Salvacion A.
Dazal, School Head.
--Jonel
D. Arizapa
Post a Comment