Header Ads

World's Largest 10 Commandments Tablet, nasa Baguio!



Alam niyo ba na nasa Baguio ang pinakamalaking tabla ng Sampung Utos ng Diyos? Opo mga kaibigan, ito nga ang pinakamalaki sa buong mundo, sa katunayan, ginawaran ito ng sertipiko ng Guinness World Records noong taong 2011 bilang “World’s Largest 10 Commandments Tablet.” May taglay itong sukat na 152.90 square meters at matatagpuan sa Dominican Hill sa tabi lang ng Diplomat Hotel.
Isang ‘di malilimutang pagkakataon ang makita ko ito mismo at malapitan. Isa ito sa mga dapat ipagmalaki nating mga Pilipino lalo na ng mga taga-Baguio.

--Gemalyn Dawal
Manito's Time Special Issue January 23, 2017

No comments

Powered by Blogger.