Baguio Museum
Sa labas pa lamang ng museum ay makikita na ang mga mukha ng tao na nakaukit pataas sa isang puno mismo ng putol na pine tree. Maging sa pagpasok din sa museum ay sasalubong na ang dalawang hitsurang taong iniukit mula sa kahoy.
Sa pagpasok ay naroon ang curator na si Ma’am Gemma na magbibigay ng kaalaman ukol sa mga artifacts. Dito sa unang palapag ay nakadisplay ang 6 na tribo na naninirahan sa Baguio, ang kanilang mga kagamitan, kasuotan, mga musikal na instrumento at iba pa na sumasalamin sa uri o hitsura ng kanilang pamumuhay. Makikita rin dito ang mga taong ukit sa kahoy na may pasan-pasan na hayop kung saan nagpapakita na ang pangangaso ay isa sa paraan ng kanilang pamumuhay. Naroon din ang tinatawag na “bodong,” ito ay sinaunang sistema ng mga tribo kung saan inaayos ang mga alitan sa pagitan ng bawat isa. Ito ay ginagawa upang hindi sila magkaubusan ng lahi.
Nakadisplay rin ang mga Igorot na ukit mula sa kahoy na nagpapakita ng kanilang ritwal. Naroon din ang “hagabi” na isang pahabang upuang kahoy ng mga Igorot. Sinasabi sa tradisyon nila na kapag mayroon ka ng upuan na iyon ay kabilang ka sa mga mayayaman. Makikita rin ang iba’t ibang mga palamuti sa katawan na mula sa iba’t ibang tribo. Nakalinya rin ang iba’t ibang mga “jars” o palayok na ginawa pa noong mga nakalipas na panahon. Bakas rin sa isang larawan na naroon ang isa sa mga tradisyon ng isa sa mga tribu na ang mga kababaihan ay hindi nagsusuot ng mga damit-pantaas.
Hindi rin pahuhuli ang kahanga-hangang mummy na naroon. Isa ang Pilipinas (Benguet) sa tatlong bansa sa buong mundo, Ehipto at Peru ang dalawa, na nagsagawa ng “mummification” o iyong pagpreserba ng katawan ng taong namayapa na. Sinasabing ang mga may mataas na katayuan sa tribu noon ang tanging nakakapagsagawa ng proseso nito dahil sa may katagalan daw ito.
Makikita naman sa ikatlong palapag ang iba’t ibang mga litrato na parte ng kasaysayan ng lugar. Naroon ang mga litrato ng mga Amerikano tulad ni William Forbes na sinasabing “Ama ng Baguio; Daniel Burnham na naatasang magdisenyo ng Baguio; at iba pa. Hindi lamang mga litrato ng mga Amerikano ang naroon, maging ng mga Pilipino. Naroon din ang mga larawan ng paghahambing ng Baguio noon at kung ano na ito ngayon. Makikitang halos karamihan sa mga struktura ay lubusan nang nabago. Tanging ang kapansin-pansin na lamang na nanatili sa mga ito ay ang mga simbahan. Makikita rin doon na mula sa mga bulubundok at patag na maraming punongkahoy ay nagawa ang isang urbanisadong lugar na tinatawag nating Baguio sa ilalim ng pamamahala na mga Amerikano. Nakadikit din sa pader ang mga larawan na may malaking bahagi sa kasaysayan ng ating bansa.
Sa unang palapag naman ay naroon ang mga ipininta ng mga artist na taga-Baguio. Naroon din ang iba’t ibang uri ng mga bato na ginamit ng mga taong nanirahan noon.
Magandang paminsan-minsan ay balikan ang mga bagay, tao at iba pa na nagbigay ng malaking ambag sa sistema ng kasalukuyan. Nakadaragdag ito sa maipagmamalaki nating kasaysayan bilang mga Pilipino.
Sa pagpasok ay naroon ang curator na si Ma’am Gemma na magbibigay ng kaalaman ukol sa mga artifacts. Dito sa unang palapag ay nakadisplay ang 6 na tribo na naninirahan sa Baguio, ang kanilang mga kagamitan, kasuotan, mga musikal na instrumento at iba pa na sumasalamin sa uri o hitsura ng kanilang pamumuhay. Makikita rin dito ang mga taong ukit sa kahoy na may pasan-pasan na hayop kung saan nagpapakita na ang pangangaso ay isa sa paraan ng kanilang pamumuhay. Naroon din ang tinatawag na “bodong,” ito ay sinaunang sistema ng mga tribo kung saan inaayos ang mga alitan sa pagitan ng bawat isa. Ito ay ginagawa upang hindi sila magkaubusan ng lahi.
MT Writers bago pumasok sa Baguio Museum |
Hindi rin pahuhuli ang kahanga-hangang mummy na naroon. Isa ang Pilipinas (Benguet) sa tatlong bansa sa buong mundo, Ehipto at Peru ang dalawa, na nagsagawa ng “mummification” o iyong pagpreserba ng katawan ng taong namayapa na. Sinasabing ang mga may mataas na katayuan sa tribu noon ang tanging nakakapagsagawa ng proseso nito dahil sa may katagalan daw ito.
Ilan lamang sa mga iniingatang kasuotan at kagamitan ng mga sinaunang tribo. |
Sa unang palapag naman ay naroon ang mga ipininta ng mga artist na taga-Baguio. Naroon din ang iba’t ibang uri ng mga bato na ginamit ng mga taong nanirahan noon.
Magandang paminsan-minsan ay balikan ang mga bagay, tao at iba pa na nagbigay ng malaking ambag sa sistema ng kasalukuyan. Nakadaragdag ito sa maipagmamalaki nating kasaysayan bilang mga Pilipino.
--Jonel Arizapa
Manito's Time Special Issue, January 23, 2017
Post a Comment