Header Ads

MPCNTODA Inorganisa

MPCNTODA Vice Pres. Latagan at President Adtoon  sa pilahan ng tricycle.    Photo: Gemalyn R. Dawal


     Binuo at nirehistro na sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang Manito, Pawa, Cavit, Nagotgot Tricycle and Drivers Association o MPCNTODA nitong Pebrero upang maging ganap at legal na ang asosayon.

     Lahad ni G. Melvin Adtoon, pangulo ng MPCNTODA, “Primero ang mga drayber sa muya maluya makipag-socialize sa mga pasahero, nasususupog sinda. Uni digdi ka na magsakay. By means sa asosayon, ang mga kapwa drayber namin na nagsusunod sa patakaran,  magkakaigwa sila ng kusog sa boot na makipagsocialize sa gabos”

     Ang unang plano ng asosayon ayon kay G. Adtoon ay makikipag-miting sila sa asosayon ng dyip na bumibyahe sa sentro upang matigil ang cutting trip. Nababawasan daw sila ng mga pasahero sa tuwing ang jeep ay dumederetso sa Pawa, Hologan na biyahe na dapat ng mga nagta-tricycle.

     Simula raw ng naayos ang mga daan, imbis na ang mga tricycle ang makinabang dito, nawalan pa sila ng pasahero dahil pinalawak ng dyip  ang ruta nila.

     Dagdag pa ni G. Adtoon, “Ang Manito nag-aasenso. Pag summer, dakol ang mga turista, makasupog sa mga bisita, pag-abot digdi sa sentro, pagbaba nag-aaragawan kang mga tricycle, nag-iiriwal. Kung mawara su bagahe kan bisita daeng masususugan pag warang asosasyon.”

     Kung mas orgnisado raw ang mga dyip at tricycle sa Manito mas darami raw ang turista at makikilala raw ang Manito sa buong mundo dahil sa kanilang magandang sebisyo.

     Plano rin daw ng asosayon na makipagtulungan sa BUTODA para maalis ang mga kolorum para maging patas sa lahat.

No comments

Powered by Blogger.