Header Ads

Maniteño, Wagi sa High School Girls Category ng Ibalong Table Tennis Tournament, 3-1

 

Nakatuon ang isip ni Jannah Sofia Arteta kanyang serve sa unang araw ng tournament.  (mula sa FB page ni Mayor Hisham Ismail)

Wagi ang Maniteño na si Jannah Sofia Arteta sa High School Girls category ng Ibalong Table Tennis Tournament na ginanap sa LCC Legazpi noong Agosto 8 at 9, 2026.


Kasama ni Arteta ang kanyang coach na si Mr. Armel Rosero at ang koponan mula sa Banquerohan National High School sa kompetisyon.  Linahukan ang kumpetisyon ng mahuhusay na manlalaro ng iba't ibang table tennis clubs mula sa mga munisipalidad at lungsod ng Albay, Camarines Sur, at Masbate.


Ayon kay Jannah Sofia Arteta, "Di ko po maipaliwanag yung ugma na first time po akong manggana sa arog po kaining tournament. Naging sulit po su urualdaw ming pagtraining."


Sa championship game, tinalo ni Arteta si Aieza Brutas ng Tabaco City Paddlers sa apat na games 12-14, 11-7, 11-7, 11-5.


"Nung una po pinangarap ko po talagang manggana sa mga arog kaining tournament. Kumbaga gusto ko pa po mahiling kung ano su makakaya ko kung makikipaglaban pa ako sa mga makukusog pang opponents and I'm glad po na napatunayan ko man po na kaya ko kahit kabado," dagdag pa ni Arteta.







No comments

Powered by Blogger.