Header Ads

Ang Kalapati at ang Agila






Sa masikip na hawlang pilit ipinagkakasya,

Ang Kalapating matapang o ang mandaragit na Agila

Sino kaya ang magwawagi, sa kanilang dalawa?

Sino kaya ang pipiliin ng mga tao para makawala?

Pilipinas, sino ang iyong pipiliin?

Ang Kalapating matapang na may adhikain,

Mabuksan ang hawlang, pilit isinusupil.

Maupo sa pwestong paglalakagan ng mabubuting butil.

 

Pilipinas, sino ang iyong pipiliin?

Ang mandaragit na Agilang may bakas ng dilim,

Na ang matatalim na kuko'y may bahid ng dugo,

Sa pinakamataas na pwesto'y ninanais makaupo.

 

Marahil iniisip mong itinataas ko ang

Kalapating matapang.

Marahil iniisip mong ang

Kalapati'y aking kinikilingan.

Ngunit, masasabi mo bang ang aking pagtingin ay hindi pantay,

Kung marami ang kanyang nagawang mabuti, sadyang lantay.

 

Marahil iniisip mong sinisiraan ko ang Agilang mandaragit,

Marahil iniisip mo ako ay sadyang may galit.

Ngunit, masasabi mo bang isang paninira,

Ang katotohanang may pruwebang nakalathala?

 

Pilipinas, sino nga ba ang iyong pipiliin?

Na syang mamuno sa hawlang nakalambitin.

Ang Kalapating bang matapang o ang mandaragit na Agila?

Pilipinas, nasa inyong kamay ang hustong pagpapasya.


-- Jerico Dasalla Daep

No comments

Powered by Blogger.