Header Ads

Trabaho Mula sa TUPAD Sinimulan sa Brgy. It-Ba

Mge benepisyaryo ng DOLE-TUPAD na naglilinis sa Barangay It-Ba, Manito, Albay

          Nagsimulang maglinis ang unang batch ng mga trabahador ng Barangay It-ba sa ilalim ng Tulong Panghanap-buhay para sa Disadvantaged Displaced Workers (TUPAD) noong Pebrero 10, 2020.

          Ang TUPAD ay ang emergency employment program ni Congressman Joey Sarte Salceda at ng Department of Labor and Employment (DOLE).  Ito ay bahagi ng implementasyon ng Sustainable Livelihood and Community Enterprise Development Assistance (SALCEDA).

          Ayon kay Kap. We Daen, ng Brgy. It-ba, ang iskedyul ng kanilang trabaho ay mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 -12:00 ng tanghali at 1:00 - 5:00 ng hapon na magtatagal ng 15 araw.  Ang misyon daw ng mga trabahador ay panatilihing malinis ang kapaligiran alinsunod sa RA 9003, Solid Waste Management Act. 

         Ayon pa kay Kap. We, ang TUPAD daw ay may "No work, no pay " policy.

-- Jane Edelle Daep Taracena, Rochelle Austria at Mendino Dasalla


Updated:  Feb. 17, 2020.  12:32PM

No comments

Powered by Blogger.