Header Ads

Candidates' Forum Ginanap sa People's Centrum


                 
Pumipirma ang mga kandidatong sina Diego Lopez, Zyntia Darca, at Rebecca Chen sa covenant para sa matahimik at malinis na eleksyon habang nakatingin si Fr. Levy Quitasol (pangatlo mula sa kaliwa)  noong Mayo 9, 2019.                         Photo:  Glorilyn Reodique


            Nagsagawa ng
Candidates’ Forum ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Manito nitong Mayo 9, 2019 sa Manito People’s Centrum.               
    
             Dinaluhan ito ng siyam na kandidato sa lokal na eleksyon na binigyan ng pagkakataong ipresenta ang kanilang mga plataporma at sagutin ang ilan sa mga tanong ng mga nanunuod.

                 Ang mga kandidatong dumalo ay sina Rebecca Chen at Jerry Daen na tumatakbo sa pagka-Mayor, si Diego Lopez na tumatakbo bilang Vice-Mayor at mga tumatakbo sa pagka-Municipal Kagawad na sina Danilo Daen, Malou Dagsil, Zyntia Darca, Owen Dawal, Rogelio Opalda at Benito Gualvez Jr.

               Tourism development daw ang pangunahing programa ni Rebecca Chen kung siya ay mananalo. Hangad daw niya na magbigay ng trabaho sa mga Maniteño. Ngunit bago raw mangyari ito, kailangan munang lumakas ang suplay ng kuryente at magkaroon ng sapat na suplay ng tubig sa pamamagitan ng municipal water district. “Dae ko po ipapabakal ang Manito sa mga Tsino. Bako rin po ako druglord”, paglilinaw ni Chen.

              Programa naman sa kalusugan, environment at agrikultura at pangingisda ang plataporma ni Jerry Daen.  Nais daw niyang ang bawat Maniteño ay matutong magtanim.

(Mula sa kaliwa sa taas) Jerry Daen at Diego Lopez habang naglalatag ng kanilang mga plataporma at Rogelio Opalda (Mula kaliwa sa baba) kasama si Benito Gualvez  Jr. habang pumupirma sa  covenant.                                                      
Photo: Nerissa Daen 

           Peace and order, disaster preparedness at trainings naman sa mga bantay dagat, tanod, at maibalik ang Municipal Trial Court ang plataporma ni Diego Lopez.

           Palakasin ang suplay ng kuryente at tubig ang pangunahing gagawin daw ni Danilo Daen.  SSS Alkansya naman ang naiisip na proyekto ni Malou Dagsil para sa mga mahihirap. Learning Centers sa bawat barangay para sa mga bata at edukasyon para sa mga out of school youth ang adbokasiya ni Zyntia Darca.  Pagtatag daw ng mga kooperatiba para sa mga magsasaka at mangingisda ang prayoridad ni Owen Dawal kung siya ay mananalo.

              Pagkatapos ng open forum, pinangunahan ni Fr. Levi Quitasol ang panalangin at covenant signing kasama ang mga kandidato para sa tahimik at malinis na halalan.


 – Nerissa C. Daen
--Manito's Time, May 2019


No comments

Powered by Blogger.