Header Ads

Our Lady of Lourdes Grotto sa tuktok ng Baguio!


Bilang isang katoliko, hindi makukumpleto ang pagpunta mo ng Baguio kung hindi ka bibisita sa grotto ng Our Lady of Lourdes.

Ang Our Lady of Lourdes grotto ay matatagpuan sa Dominican Hill Road, Mirador Hill, Baguio City. Ito ay replica ng orihinal na Lady of Lourdes na matatagpuan sa France.

Isang pambihirang pagkakataon ang masilayan ko ito mismo at maakyat ang 252 na baitang para maabot ang tuktok kung saan nakatayo ang imahe at ang isang maliit na kapilya, ang Kapilya ni Jesus at Maria. Pagdating namin sa may imahe ay nagsindi kami ng mga kandila at nanalangin. May salitang Latin na nakasulat sa may ulunan ng imahe, ito ay “TOTA PULCHA ES MARIA” na ang ibig sabihin sa salitang ingles ay “You Are All Beautiful, Mary.”

Nakakapagod ang pag-akyat patungo sa grotto pero sulit naman ‘pag nandun ka na sa ibabaw, makikita mo nang malapitan ang imahe, madudungawan mo pa ang napakagandang tanawin ng Baguio sa ibaba. Isa itong karanasang hindi namin malilimutan ng mga kasamahan ko sa Manito’s Time.

-Gemalyn R. Dawal
Manito's Time Special Issue, January 23, 2017

No comments

Powered by Blogger.