Header Ads

Mga Tribo sa CAR, kilalanin!


             Nakilala ng mga Manito’s Time Writers ang mga tribong bumubuo sa CAR sa pagpunta nila sa isa sa mga dinarayong lugar sa Baguio, ang Baguio Museum.

              Sa tulong ng isa sa namamahala sa Baguio Museum ipinakilala sa mga writers ang mga tribo na kilala sa tawag na Igorot. Igorot sapagkat sila ay mga taong naninirahan sa kabundukan. Sa Benguet, dalawang tribo ang kinikilala at sinasabing sila ang pinakasimpleng tribo sa lahat. Ito ay mga Kankana-ey at Ibaloi.

              Ang mga tribo mula sa Benguet ay namumuhay ng simple lamang na makikita sa kanilang pananamit.

 Ang Mountain Province naman ay binubuo ng mga tribo ng Bontoc at Kankanaey. Tanyag sila sa kanilang husay sa paghahabi o weaving.

            Samantalang tinatawag namang Ipugo ang mga tribong naninirahan sa Ifugao dahil na rin sa nakatira sila sa burol o sa Banaue Rice Terraces. Ang Banaue Rice Terraces ay isa sa Wonders of the World na sinasabing ginawa higit-kumulang 2000 taon na ang lumipas. Sila ang pinakamasipag na tribo sa lahat dahil sa pagkabuo ng rice terraces at sila rin ang pinakamagaling na tribong wood carver.

                Ang mga tribo naman sa Kalinga ay tinaguriang “Peacock of the North” sapagkat sila ang mayroong pinakamakulay at marangyang kagamitan at kasuotan. Sila rin ang pinakakinatatakutang tribo.

             Sa Apayao naman makikita ang tribo ng mga Isnag o Isneg. Ang Apayao ay napapalibutan ng tubig kaya ang kulay ng kanilang kasuotan ay kulay bughaw o blue. Makikita sa kanilang kasuotan ang impluwensya ng mga Moro o Muslim.

              Ang Abra naman ay pinagigitnaan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte kaya naman ang mga tribo rito ay naimpluwensyahan na ng mga Ilokano. Ang kanilang kasuotan ay naimpluwensyahan ng mga Kastila ang kimono sa babae. Ang mga tribo sa Abra ay tinatawag na Itneg.

              Isang tribo naman ang walang permanenteng tinitirahan o mga “nomads,” ito ay ang mga Gaddang. Makikita sila sa iba’t ibang probinsya pero karamihan sa kanila ay nakatira sa Nueva Viscaya.

____________________________________________________________

Mga Kasuotan at Kagamitan ng mga Tribo


Tribo ng Apayao

Tribo ng Mt. Province

Tribo ng Ifugao

Tribo ng Benguet

Tribo ng Kalinga


Tribo ng Abra at Gaddang


-Nerissa D. Elleta

Manito's Time Special Issue, January 23, 2017

No comments

Powered by Blogger.