Header Ads

Isang Basong Gatas



Nerissa D. Elleta.

Tumigil sa paglalakad si Rodel. Magtatanghali na pero wala pa rin siyang nabebenta sa paninda niyang gulay. Uhaw na uhaw na siya. Nakita niya ang paglabas ng isang dalagita sa isang bahay, hindi na siya nagdalawang-isip na lumapit dito.
"Uhhm... Ate, pagtawag nya sa pansin nito. Agad naman itong lumingon. "Ano yun?, Ay wala akong pambili sa mga gulay mo, boy, sabi nito.
"Ah, hindi po yun, pero pwede po bang makiinom? Kanina pa po kasi ako nag-iikot, hindi pa nga rin po ako nakakain e," ang paliwanag nya dito.
"Ganun ba, sandali at ikukuha kita, sabi ng dalagita at pumasok uli sa bahay. Nagulat na lang siya ng abutan siya ng dalagita ng isang basong gatas.
"Tubig lang po ang hinhingi ko", sabi niya.
"Sige na inumin mo na yan, para naman kahit paano ay may laman yang tiyan mo", nakangiting sabi ng dalagita.
"Maraming salamat po Ate, Ate-, ano pong pangalan ninyo?", tanong niya dito matapos ibigay ang baso sa dalagita.
"Angela, Angela Mariano", sagot ng dalagita.
"Salamat po uli Ate Angela, sabi niya at masayang umalis.
Ilang taon na rin ang lumipas. Maraming nagbago sa mga buhay nina Rodel at Angela. Inatake sa puso ang ina ni Angela kaya agad itong sinugod sa pinakamalapit na hospital.
"Miss, Kailangan pong operahan ang inyong ina sa lalaong madaling panahon. Nasa loob na po ng emergency room ang inyong ina. Paki-fill-outan nyo na lang po ito", sabi ng nurse. Maiyak-iyak siyang naghantay sa labas ng emergency room. Mayamaya ay lumabas na ang mga nurse at doktor na ngitian siya.
"Ililipat na po siya sa ibang room, Miss," sabi ng nurse na lumapit sa kanya at kinuha ang form na sinulatan nya.
"Maraming salamat po, pasasalamat nya.
Nanlaki ang mata nya ng makita ang babayaran nila sa ospital. Pero mas nagulat siya sa sinabi ng cashier sa counter.
"Bayad na po ang bill ninyo, Miss Mariano," nakangiting sabi nito.
"Ha? Bayad? Paano? tanong niya. Mula sa likod niya ay may nagsalita.
"Bayad na, Isang Basong Gatas." napatingin siya sa likuran nya. Isang doktor ang nakita niyang nakangiting nakatingin sa kanya. Si Rodel, Dr. Rodel Reyes. Napangiti si Angela.

No comments

Powered by Blogger.