Header Ads

Bayer, Nagpa-Seminar sa Buyo


Vicente Padilla.

     Isang seminar ang inihanda ng LGU Manito para sa mga magsasaka ng palay.  Ito ay ginanap sa Buyo chapel noong ika-12 ng pebrero 2015.  Ito ay tungkol sa kung papano pa nila mapapalago ang kanilang produkto.
     Isa sa mga nag organisa nito ay ang Municipal Agriculturist na si G. Ciriaco P. Padre, Jr.  Inimbitahan nila ang BAYER, isa sa mga kompanyang kilalang gumagawa ng mga pestisidyo at mga fertilizer.
    Ang mga speaker na sina G. Arman Abanio at G. Danny Mostar ay kapwa nagbigay ng mga mahahalagang kaalaman sa tamang pag-aalaga ng pananim na palay.
      Ilan sa mga dumalo ay ang kapwa magsasakang sina G. Reynaldo  Pranis, 55 taong,  gulang  ng Calpi, Buyo at si G. Antolin Reodique, 54 na taong gulang,  ng Buyo.  Ayon sa kanila malaki raw ang maitutulong ng mga ganitong seminar at mas nadagdagan pa ang kanilang kaalaman. Mas mapalalago pa nila ang kanilang mga pananim.   Kapwa din sila nagpapasalamat sa LGU Manito  sa paglulunsad ng mga ganitong programa.
     Nabanggit ni G. Padre na marami pang proyekto ang ilulunsad ng LGU para sa mga magsasakang Maniteño.  

No comments

Powered by Blogger.