Header Ads

Daz Superstore Nagpatupad ng Social Distancing

Nagpatupad ng "social distancing ang Daz Superstore sa Manito, Albay na may mga nakapaskil na paalala.   Photo:  Renz Marion Daz


Bilang pagsunod sa Luzon-wide Enhanced Community Quarantine kontra COVID-19, ang Daz Superstore sa Barangay It-Ba, Manito, Albay ay nagpatupad ng "social distancing" na nagsimula ngayong Marso 18, 2020.

Isang tao lang ang pinapapasok na mamimili at hindi na pinapapasok kung may kasama ito para mabawasan ang siksikan sa loob ng grocery.  Nilagyan din ng harang at bantay sa pasukan para mas makontrol ang paglabas at pagpasok ng mga mamimili.

 Patuloy ang pamimili ng mga Maniteño sa grocery.  Patuloy din ang pagdating ng supplies tulad ng mga bigas sa superstore at sa mga katabing tindahan nito.

No comments

Powered by Blogger.