ROSEMARIE BRIONES, MUTYA NG FEDERATED 2015
Photo by: TagaManitoAko |
Kinoronahan bilang Mutya ng Federated ng Manito si Rosemarie T. Briones noong Pebrero 14, 2015 sa Manito People’s Centrum. Si Rosemarie ay 29 na taong gulang, isang ginang at may 3 anak. Siya ay isa sa 18 kandidatang lumahok sa fundraising pageant na binuo ng Federated Parents Teachers Association na naglayong makalikom ng pera para sa scholarship na ipapamigay ng asosasyon.
Nang si Rosemarie ay makapanayam at natanong kung ano ang kahalagahan ng pagkapanalo niya sa patimpalak , ito ang kanyang naging sagot, “Nung nainform ako na fundraising ito for scholarship, since nanay na ako, naisip ko maganda ito para sa mga bata, sa mga nag-aaral kaya hindi ako nag-atubiling sumali as representative of Manito Central School.”
Ayon kay Pastor Alwin Nol, pangulo ng MFPTA, sila ay nakalikom ng P110,000 mula sa nasabing proyekto. Bubuo sila ng komite upang pumili ng tig-iisang mag-aaral mula sa 19 na paaralang elementarya at sekondarya sa Manito. Ang scholarship ay tutulong sa mga mag-aaral na may taglay na talino at kasipagan ngunit walang kakayahang pinansyal. Sasagutin ng scholarship ang lahat ng gastusin sa pag-aaral ng mga iskolar sa School Year 2015-2016.
Ilan pa sa mga kandidatang kinoronahan ay sina: Kristine Kaye Daguiso ng Manito National High School – 1st runner-up Mutya ng Federated ng Manito, Liezel Lladone ng Buyo Elementary School – 2nd runner-up, Jacquilline Remondavia ng Cabacongan Elementary School – 3rd runner-up, Jemalyn Daep ng Cavit Elementary School.
Ang mga minor awards naman ay iginawad kina Alma Bernal ng Pawa Elementary School – Mutya ng Kalikasan, Salve Azueta ng Bamban Elementary School – Mutya ng Pagkakaisa, Cecil Adamos ng Nagotgot Elementary School – Mutya ng Kapayapaan, Caren Barcelon ng Kawit Elementary School – Mutya ng Pagmamahal, Liezel Datiles ng Balabagon Elementary School – Mutya ng Pag-asa, Maritess Navarro ng Hologan Elementary School – Mutya ng Katapatan, Ederlyn Banania ng Manumbalay Elementary School – Mutya ng Karunungan, Eva Destresa ng Tinapian Elementary School – Mutya ng Kalinisan, Snowee Charlotte ng Cawayan Elementary School – Mutya ng Kawang-gawa, Mila Babasa ng Cawayan High School – Mutya ng Katarungan, Emma Cupreros ng Malobago Elementay School – Mutya ng Kaayusan, Charlene Agripa ng Inang Maharang Elementary School – Mutya ng Kabutihan.
Ang mga nakatanggap ng Special Awards ay sina Rosemarie Briones - Best Float and Best in Production Number at Kristine Kaye Daguiso - Best in Evening Gown.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng FPTA sa lahat ng estudyante, guro at mga magulang na sumuporta sa kanilang proyekto. Nagpaplano ang grupo na sila rin ang humawak ng Mutya ng Manito sa Oktubre upang mapalawig ang tulong pinansyal hindi lamang sa mga mag-aaral ng elementarya at high school kundi kasama na rin ang mga nasa kolehiyo.
Post a Comment